-- Advertisements --

LA UNION – Magsasagawa ang bansang Australia ng mass vaccination para sa mga frontliners sa buwan ng Marso bagamat ito ay voluntary sa lahat ng residente doon.

Ayon ito sa ulat ni Bombo international news correspondent Denmark Suede, nagtatrabaho at naninirahan na sa Sydney Australia sa panayam ng Bombo Radyo La Union.

Base sa datos ng minister, nakapagtala ang nasabing bansa ng 27,939 cases ng COVID-19 mula pa noong buwan ng Marso; nananatiling 55 ang active cases; 27 ang naka admit sa hospital; 900 na ang namatay; may isang local transmission dito at 16 ang kaso ng mula sa overseas.

Sinabi pa nito na mahigpit ang ipapatupad sa lahat ng papasok sa Australia at mabibigyan ng dalawang choices sa pagpabakuna.

Bagama’t kaaramihan ay gustong magpabakuna ngunit mayroon din ilan na nagdududa sa kakayahan nito dahil sa paniniwala na ito ay minadali.

Samantala, patuloy pa rin ang nararanasan nilang bushfire kung saan normal na lamang kung ituring ng mga residente dito na nag-uumpisa tuwing summer season.

Bagama’t nalalapit na ang paggunita ng Pasko ay kakaiba naman ang paggunita nila dahil sa mainit ang panahon doon.

Dagdag pa nito na gustuhin man nitong umuwi para magpasko sa Pilipinas ay pinagbabawalan pa rin sila dahil sa pandemya.