Tiniyak ni Australian Ambassador HK Yu na patuloy na makikipagtulungan ang Australia sa pagprotekta ng marine environment sa pamamagitan ng restoration ng coral reefs.
Ito ay kasabay ng malugod na pagtanggap ni Yu sa paglagda ng makasaysayang UN High Seas Biodiversity Treaty ng Pilipinas at Australia.
Dito, kapwa lumagda ang dalawang bansa sa naturang global treaty para protektahan ang mga karagatan sa ilalim ng framework ng 1982 UN Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).
Ito ang kauna-unahang treaty para protektahan ang high seas na naglalayong palakasin pa ang legal regime sa conservation at sustainable use ng marine biodiversity sa mahigit two-thirds ng karagatan sa buong mundo.
Una ng nagpahayag ng seryosong pagkabahala ang Pilipinas matapos madiskubre ang napinsalang corals sa Rozul reef at nanawagan na waksan ang lahat ng mapanganib na mga aktibidad sa exclusive economic zone ng bansa.