-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Umabot na sa 76% ang sa kabuuang populasiyon ng bansa ang nabakunahan na kontra COVID- 19.

Dahil sa naturang bilang ay malapit ng maabot ng Australia ang herd immunity na bunga ng pagapatupad ng mandatory vaccination sa lahat ng mga manggagawa sa naturang bansa.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Denmark Suede, pinoy nurse sa Sydney sinabi niya na dahil sa mataas na vaccination rate ay nagkaroon na rin ng pagluluwag sa mga health protocols kung saan pinahihintulutan na ang mga residente na hindi magsuot ng facemask sa open area maliban na lamang sa loob ng mga bahay kalakal, establisyimento at pampublikong sasakyan.

Hindi na rin isinasailalim ang mga Australian resident o citizen na bakunado sa hotel quarantine kapag papasok ng bansa.

Ini-anunsiyo na ng Federal Government ang pagbibigay ng Booster shot sa mga Australian na magsisimula sa November 8, 2021.

Aniya, naglabas na ng kautusan ang federal government para sa pagbabakuna ng mga residenteng may 18 anyos pataas na nakakumpleto na ng kanilang 2nd dose sa Nobyembre 8, 2021.

Gayunman hindi natutukoy ng Australian govenrment ang partikular na age group at priority group na uunahin sa pagbibigay ng booster shot.

Naka depende naman sa supply ng bakuna ang ibibigay na booster shot sa mga nauna nang nabakunahan ng Astrazeneca Pfizer at Moderna.