-- Advertisements --
AU TO HONG KONG 2

Hinikayat ng Australia ang mga kapulisan sa Hong Kong na maayos na tumugon sa lumalalang kaguluhan sa lungsod kung saan pansamantalang sinuspinde ang mga pasok sa paaraln at trabaho dahil sa patuloy na panggugulo ng mga anti democracy protesters.

Hinimok din nito ang mga otoridad na sundin na lamang ang hiling ng mga raliyista na magsagawa ng independent investigation hinggil sa naging aksyon ng kapulisan mga nag-aalsa.

Nanawagan naman si Australian foreign minister Marise Payne sa European Union at United States na tumulong sa pagbabalik ng kaayusan at kapayapaan sa naturang lungsod.

Aniya, mahalaga umano na tigilan ng mga otoridad ang paggamit ng tear gas, rubber bullets at bala upang kontrolin ang kaguluhan dahil nagdudulot lamang ito ng karahasan.

Binawi naman ng isang influential state backed-Chinese newspaper ang kanilang inilabas na impormasyon na magdedeklara umano ng weekend curfew ang Hong Kong government.

Ito raw ay dahil kulang ang kanilang impormasyon na nakalap na magpapatotoo sa nasabing balita.