-- Advertisements --

Inanunsiyo ng Australia ang muli nilang pagbubukas ng kanilang borders para sa mga turistang naturukan na ng bakuna laban sa COVID-19.

Ayon kay Australian Prime Minister Scott Morrison na ipinapakita lamang nila ang kahalagahan ng pagpapaturok ng bakuna laban sa COVID-19.

Magsisimula ang muli nilang pagbubukas ng border sa Pebrero 21 kung saan kabilang ang ilang sektor kasama ang international education.

Magugunitang halos dalawang taon ng isara ng Australia ang kanilang border mula ng magsimula ang COVID-19 pandemic.