-- Advertisements --
Nagbigay ang gobyerno ng Australia ng P34 milyon halaga ng mga drones sa Philippine Coast Guard (PCG).
Layon ng nasabing drones ay para mapalakas ang Philippine-Australia Strategic Partnership.
Kinabibilangan ito ng 20 world-class na mga aerial drones kung saan magagamit ito sa pagpapalakas ng PCG sa maritime domain awareness capabilities.
Pinanguanahan ni Her Excellency HK Yu PSM FCPA (Aust) ang Australian ambassador to the Philippines ang pamamahagi ng nasabing drones.
Isasailalim naman sa training ang 30 miyembro ng PCG Aviation Command Unmanned Aerial Vehicles Squadron ng Australia’s Department of Climate Change, Energy, the Environment and Water’s Office of the Chief Remote Pilot.