ILOILO CITY – Binuksan na ng Australia epektibo ngayong araw ang international borders nito para sa mga vaccinated na mga turista.
Halos dalawang taon din ang itinagal ng ipinatupad na COVID-19 travel restrictions sa naturang bansa na itinuring pa na isa sa pinakamahigpit na restrictions sa buong mundo dahilan kung bakit tinawag itong “Fortress Australia.”
Iniulat ni Bombo international correspondent Denmark Suede, ang Western Australia na lamang ang hinihintay pa na mag re-open sa international travellers dahil nasa March 3 pa ang schedule nito.
“The wait is over” naman ito para sa gobyerno ng Australia dahil ang international tourists ang bumubuo ng 70 percent ng business ng tourism operators sa nasabing bansa.
Inaasahan na 56 international flights ang darating sa Australia sa loob nga 24 oras pagkatapos ng re-opening ng international borders.