Gagawa na rin ang Australia ng hypersonic cruise missiles.
Ito ay matapos ang pakikipag-partner nila sa US para makontra ang China at Russia na gumagawa rin ng parehas na armas.
Sinabi ni Australian Defence Minister LInda Reynolds, na isang patuloy na investment ang pagsasagawa ng advanced capabilities ng Australian Defence Force.
Hindi naman nito binanggit ang halaga ng nasabing bagong armas.
Magugunitang naglaan ng nasa $6.8 billion ang Australia para sa pagbili ng high-speed long-range missile defense system.
Ang hypersonic missiles ay may kakayahan na bumiyahe ng limang beses na mas mabilis kaysa sa tunog na sa taas nito ay mahihirapan itong ma-intercept.
Noong nakaraang taon ay nagpakawala ng unang hypersonic nuclear-capable missile ang Russia habang noong 2017 ay nagsagawa rin ng testing ang US sa kaparehas din na missile.