-- Advertisements --
Nanawagan ang gobyerno ng Australia sa G20 countries na gumawa ng hakbang sa mga wildlife wet markets.
Tinawag pa ng gobyerno ng Australia bilang biosecurity at human health risk.
Bagamat hindi nito nais ng pagbabawal at sa halip ay dapat na lamang itong i-phase out.
Sinabi ni Australian agriculture minister David Littleproud na may mga wet markets gaya sa China ang nagbebenta ng mga wild animals.
Magugunitang sinasabing galing sa China ang coronavirus matapos umanong kumain ng paniki ang mga residente doon.