-- Advertisements --

Nagpasya ang Australian Defence Force (ADF) na payagan ang mga recruits mula sa ibang bansa kabilang ang United Kingdom.

Layon ng nasabing hakbang ay para matulungan na mapataas ang kanilang mga rangko.

Nagkakaroon kasi ng kakulangan ang Australia sa enlistment at kailangan nilang palakihin ang bilang ng mga sundalo dahil sa pagtaas ng regional threats.

Ayon kay Minister for Defence Richard Marles na simula sa Hulyo na ang mga New Zealand nationals na permanent residents ng Australia ay maaari ng mag-apply at sa susunod na taon ay papalawigin nila ang recruits mula sa UK at ibang bansa gaya ng US at Canada.

Ang Australia, UK, US, Canada at New Zealand kasi ay magkakasama sa intelligence sharing sa ilalim ng alyansang tinawag na Five Eyes.