Pinapaimbestiga ni Australian Prime Minister Scott Morrison ang pag-atake ng mga kapulisan ng Washinton DC sa dalawang journalist ng Australia.
Nagsasagawa lamang ng coverage sina Channel 7 News US correspondent Amelia Brace at photojournalist Tim Myers sa nagaganap na kaguluhan sa nasabing lugar dahil sa pagkamatay ng black American na si George Floyd ng sila ay pinapaalis ng mga kapulisan.
Makikita pa aniya sa video na gumamit pa ng shields ang mga kapulisan para itulak ang dalawang journalist.
Binantaan pa ng nasabing kapulisan ang mga ito na kanila silang papaluin ng baton.
Nakipag-ugnayan na rin s Australian foreign minister Marise Payne sa Australian Embassy sa Washington DC para agad na maimbestiigahan ang nasabing pangyayari.
Tiniyak naman ni US ambassador to Australia Arthur B. Culvahouse Jr na kanilang iimbestigahan ang naganap na pananakit sa mga journalist.