Pinatawan ng Australian government ng sanctions si Belarusian President Alexander Lukashenko dahi sa kaniyang pagsuporta sa Russian invasion sa Ukraine.
Ayon sa Foreign Ministry ng Australia, target ng panibagong sanctions ng federal government ang nasa 22 Russian propagandists at disinformation operatives kabilang ang senior editors mula sa media outlets kabilang ang Russia Today, the Strategic Culture Foundation, InfoRos at NewsFront
Kabilang din ang first lady at kaniyang anak na dating nanungkulan sa senior national security roles sa gobyerno.
Ang sanctions na ito ay para matiyak na ang Russia at ang mga sumusuporta sa iligal at unprovoked invasions nito sa demokrasya ng karatig na bansa ay magbabayad ng malaking halaga.
Ang sanctions na ito ay nagbunsod sa pagbibigay ni Lukashneko ng strategic support sa Russia at kaniyang military sa kasagsagan ng invasion sa Ukraine.
Si Lukashenko ay isang authoritarian leader na kilala bilang huling dikatador ng Europa na may malapit na ugnayan kay Russian President Vladimir Putin.