Muling tiniyak ni Australian Prime Minister Anthony Albanese ang kaniyang suporta sa Pilipinas hinggil sa isyu sa West Philippine Sea.
Lubos naman na nagpapasalamat si Pang. Marcos kay Albanese hinggil dito maging ang tulong ng Australia sa ASEAN partikular sa edukasyon, defense, health at digital transformation.
Pinuri din ng Pangulo ang aktibong partisipasyon ng Australia sa mga maritime-related issues sa rehiyon.
Ginawa ng Pangulo ang kaniyang intervention sa 43rd ASEAN Summit and Related Summits sa Jakarta, Indonesia.
Dumalo din si Albanese kasama ang ilang mga lider ng ASEAN member countries kung saan pinalakas pa ang ASEAN-AUSTRALIA relations.
Pinasalamatan din ng chief executive ang Australia sa suporta nito sa Pilipinas sa pag host sa 12th ASEAN Maritime Forum at 10th Expanded Maritime Forum na ginanap sa Manila nuong nakaraang Disyembre.
Winelcome din ng Pangulo ang pagpapatibay sa ASEAN-Australia Joint Leaders’ Statement hinggil sa pagpapalakas sa kooperasyon at food security sa panahon ng krisis.
Positibo ang na magbibigay ng mga bagong pagkakataon ang paglada ng Pilipinas sa Second Protocol na layong amyendahan ang kasunduan na magtatatag sa ASEAN-Australia-New Zealand Free Trade Area (AANZFTA) upang mapabuti ang daloy ng mga produkto, serbisyo, at pamumuhunan sa pagitan ng ASEAN at Australia.
Kumpiyansa ang chief executive na mas lalo pang titibay ang ugnayan ng Pilipinas at Australia.