-- Advertisements --
Nakaranas muli ng matinding pagkatalo ang women’s basketball team ng bansa sa 2021 FIBA Women’s Asia Cup.
Tinambakan kasi sila ng world number 3 na Australia 120-56 sa laro na ginanap sa Amman, Jordan.
Mula sa simula ay hawak ng Australia ang kalamangan kung saan sa pagtatapos ng last quarter ay nagtala sila ng 32-20.
Hindi umubra ang mga pambato ng bansa na pinangunahan nina Khate Castillo, Kristine Cayabyab at Ria Nabalaan.
Magugunitang nitong Lunes ay unang nakatikim sila ng pagkatalo 143-52 sa kamay ng China.
May isa pang laro ang women’s basketball team ito ay sa pamamagitan ng Chinese-Taipei ngayong Setyembre 30.
Kabilang kasi ang Pilipinas sa Group B kasama ang China, Chinese Taipei at Australia.