-- Advertisements --
philippine economy

Tutulong sa Pilipinas ang gobyerno ng Australia, sa pamamagitan ng Partnerships for Infrastructure (P4I) program na makaakit ng mga pamumuhunan sa mga pangunahing proyekto sa imprastraktura.

Sa paglulunsad ng ang gobyerno ng Australia sa Partnerships for Infrastructure (P4I) program sinabi ni Australian Ambassador to the Philippines Hae Kyong Yu na ito ay magbibigay ng infrastructure advisory support sa gobyerno ng Pilipinas lalo na sa pagpili kung anong uri ng financing strategy ang dapat gamitin sa isang partikular na proyekto.

Kabilang dito kung ano ang dapat unahin at kung anong mga teknolohiya ang dapat gamitin.

Ang Partnerships for Infrastructure ay tutulong din sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa pagbuo ng mga regulatory frameworks na gagawing kaakit-akit ang mga pangunahing proyekto sa imprastraktura para sa mga pamumuhunan mula sa pribadong sektor.

Bukod sa pagbibigay ng advisory services upang gawing kaakit-akit ang mga proyektong pang-imprastraktura sa pribadong sektor, sinabi ng envoy na ang partnership na ito sa pagitan ng Australia at Pilipinas ay maaaring mapadali ang potensyal na financing mula sa mga kumpanya at institusyon ng Australia.

Sinabi ni Yu na ang mga proyektong pang-imprastraktura sa Pilipinas ay maaaring makaakit ng mga pondong ito mula sa Australia kapag ang gobyerno ay nakapagbigay ng tamang patakaran at maayos na negosyo upang makaakit ng mga pamumuhunan para sa imprastraktura ng Pilipinas.