Malaya nang makapagbiyahe ang mga residente ng Australia at New Zealand matapos binuksan na nila ang travel bubble ngayong araw.
Ito umano ang hinihintay ng mga residente matapos ang mahigit isang taon kung saan tinanggal na ang mga quarantine.
Nagagawa kasi ng dalawang bansa na pababain ang infection rates dulot ng COVID-19 dahil sa kanilang paghihigpit sa mga border.
Dahil dito, nagdagsaan at naging emosyunal pa ang ilang mga pasahero sa Australian airports dahil marami na ang gustong umuwi sa kanilang pamilya.
Pawang may biyahe naman ang Airlines Qantas, Jetstar at Air New Zealand sa dalawang mga bansa.
Kung maalala, isinara ng Australia at New Zealand ang kanilang borders noong buwan ng Marso sa nakaraang taon at nagpatupad ng compulsory quarantine sa mga returning nationals.