-- Advertisements --
Nahaharap sa kasong rape ang high-ranking Australian Bishop na si Christopher Saunders.
Kinabibilangan ng mga biktima na menor-de-edad kung saan kasama rin dito ang ilang mga sex offences.
Isinagawa ang pagsampa ng kaso matapos ang masusing imbestigasyon laban sa 74-anyos na namumuno sa Broome, Australia.
Hindi pinayagan siyang maghain ng anumang piyansa at ang nahaharap siya ng 19 counts sa korte.
Ang mga kaso ay kinabibilangan ng two counts of rape, 14 counts of unlawful and indecent assault at three counts of indecently dealing with child under his authority.
Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya na ito ng mga kapulisan sa Australia.
Taong 1976 ng ito ay unang na-ordinahan bilang pari at matagal nagsilbing pari sa Kimberley region.