-- Advertisements --

Inanunsiyo ni Australian breakdancer na si Rachael “Raygun” Gunn na ito ay magreretiro na.

Sinabi ng 37-anyos na labis siyang nadismaya dahil sa bigo itong makakuha ng panalo noong Paris Olympics.

Hindi kasi nito napahanga ang mga judges sa mga unorthodox routine, kangaroo hops at sprinkler moves noong nakaraang Olympics.

Dagdag pa nito na dahil sa mga batikos na kaniyang natanggap ay minabuti na niyang magretiro.

Ipagpapatuloy pa rin nito ang pagsasayaw pero hindi na siya makikihalok sa mga kumpitisyon.