-- Advertisements --

Nasa ranked number 1 sa buong mundo ngayon ang Australian breaker na si Rachael Gunn.

Base sa women’s ranking ng World DanceSport Federation (WDSF) na nasa unang puwesto ang 37-anyos na si Gunn.

Magugunitang walang nakuhang anumang puntos sa tatlong rounds si Gunn ng makaharap ang pambato ng US, France at Lithuania sa nagdaang Paris Olympics.

Nagwagi ito ng gintong medalya 2023 WDSF Oceania Championships para makuha ang 1,000 ranking points.

Ayon sa WDSF na ang rankings ay mananatili ng 52 weeks.