-- Advertisements --

Humingi ng paumanhin si Australian broadcaster Tony Jones kay Serbian tennis star Novak Djokovic.

Kasunod ito sa komento ng beteranong sports presenter ng Channel 9 ng Australia kay Djokovic.

Tinawag kasi nito ang Serbian tennis star bilang overrated at marapat na matanggal.

Nangyari ang insidente nitong Biyernes kung saan idinaan ni Djokovic ang reaksyon sa kaniyang social media.

Sa ginawang paghingi ng kapatawaran ni Jones ay labis itong nagsisi dahil maraming mga fans ng Serbian tennis star ang nasaktan.

Maging ang Network company ay humingi na rin ng paumanhin sa naging komento na ito ni Jones.