-- Advertisements --

Pinabulaanan ng pamunuan ng isang casino sa Australia ang pahayag ni NBA player Ben Simmons na hindi raw siya pinapasok sa nasabing lugar dahil sa umano’y racial discrimination.

Bago ito, nag-post ang Philadelphia 76ers star ng isang video sa social media kung saan sinabi nito na hinarang siya sa Crown Casino sa Melbourne dahil sa kanyang lahi.

Sa pahayag ng isang tagapagsalita ng casino, mariin nilang itinatanggi ang anumang pahayag ng diskriminasyon.

Paliwanag pa ng opisyal, nagsasagawa rin daw sila ng identification checks upang tiyakin na hindi edad 18-anyos pababa ang kanilang mga kustomer.

“Crown’s internal security policy requires our security officers to check identification of those persons they believe to be under the age of 25, this is an enhanced safeguard to ensure that no one under the age of 18 is permitted entry to the Casino floor as required by law.

“The group subsequently provided identification and were permitted entry.

“Crown is an inclusive workplace.”

Nakatakda sanang sumapi sa Boomers ang 2016 NBA top overall pick para sa FIBA World Cup sa China ngunit umurong ito upang makapagpokus daw sa susunod na season.