-- Advertisements --

Ikinulong sa China ang isang Australian citizen na nagtatrabaho bilang TV anchor.

Sinabi ni Australia foreign minister Marise Payne, mahigit dalawang linggo na ng makulong si Cheng Lei isang anchorwoman ng Chinese broadcaster CGTN.

Binalaan na ng gobyerno ng Australia ang kanilang mamayan noon pang Hulyo na posibleng tumaas ang bilang ng mga kaso ng pagkakakulong sa China.

Nagbunsod kasi ang galit ng China sa Australia mula ng ilunsad nila ang imbestigasyon sa pinagmulan ng coronavirus pandemic.

Posibleng maharap ng anim na buwang pagkakakulong si Cheng kahit ng wala pang kasong isinampa sa kaniya.