-- Advertisements --

Balik sa finals ng Australian Open si defending champion Jannik Sinner.

Ito ay matapos na talunin niya si Ben Shelton sa score na 7-6(2), 6-2, 6-2.

Ang 23-anyos Italian at world number 1 ay desididong makamit ang ikatlang Grand Slam title.

Sa unang set ay tila nahirapan si Sinner dahil sa matinding depensa ni Shelton hanggang madomina ng Italian tennis player ang laro.

Inamin ni Sinner na nahirapan ito sa unang set subalit ikinatuwa na lamang niya dahil sa nalagpasan niya ang hamon para tuluyang manalo.

Siya na ang pinakabatang manalal na nakaabot sa Australian Open finals ng magkasunod na taon.

Unang hawak ni Jim Courier ang record noong 1992 hanggang 1993.

Noong nakaraang taon ng makuha ni Sinner ang kaniyang unang major title at naging number 2 sa US Open noong Setyembre at nasangkot sa doping case na kasalukuyang nakaapila.

Susunod na makakaharap nito sa finals si ranked number 2 na si Alexander Zverev.