Nakiisa si Australian Ambassador HE Steven Robinson sa pagdiriwang ng
National Police Remembrance Day Celebration ngayong araw na ginanap sa Bantayog ng mga Bayaning Tagapamayapa dito sa Camp Rafael Crame, Quezon City kasama si PNP Chief PGEN GUILLERMO LORENZO ELEAZAR at si PNP TDCA Lt Gen. Joselito Vera Cruz.
Sa talumpati ni Robinson, kaniyang inalala ang mga bayaning pulis na inalay ang kanilang buhay para sa bayan.
Nagpasalamat naman si Robinson sa PNP sa kanilang magandang relasyon.
Kinikilala din ng ambassador ang effort ng PNP sa law and peace and order lalo na ngayon nasa covid-19 pandemic pa rin ang bansa.
Sa panig naman ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar, inalala nito ang kabayanihan ng mga nasawing pulis.
Nag-alay din ng bulaklak sina Eleazar at Robinson sa bantayog ng mga bayaning pulis.
Siniguro naman ni PNP chief na magpapatuloy ang kanilang magandang ugnayan sa kanilang Australian counterpart.
Ang pagdiriwang ng National Day of Police Remembrance ay para bigyang pagpupugay ang mga namayapang bayaning pulis.
“We also pay respect, with the highest esteem, to our police front-liners who selflessly served the community and lost their lives due to Covid-19; and we thank them on behalf of this grateful nation for their service and for making this world, a better place,” pahayag ni Gen. Eleazar.