BUTUAN CITY – Tinututukan na ngayon ng Australian Federal Police ang pananaksak sa obispo ng Assyrian Christ The Good Shepherd Church na si Bishop Mar Mari Emmanuel matapos itong idineklarang terrorist act.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Bombo international correspondent to Australia Denmark Suede, na sa ngayon ay walang inilabas na advisory ang gobyerno upang hindi magpa-panic ang mga tao ngunit nakatutok na sa nasabing kaso ang kanilang federal police.
Tumulong na rin sa imbestigasyon ang Australian Security Intelligence Organization na katumbas ng Federal Bureau of Investigation ng Estados Unidos.
Espesyal umano ang trabaho ng kanilang federal police kumpara sa New South Wales Police na nakatutok lamang sa mga ordinaryong kaguluhan.