-- Advertisements --
Umabot na sa mahigit isang milyon mga residente ng Australia ang nag-download sa kanilang cellphone agad ng coronavirus contact tracing app ilang oras matapos na ipakilala ito ng gobyerno.
Ang nasabing apps ay bibigyan ng babala ang mga users kung may nakasalamuha silang positibo sa coronavirus.
Sinabi ni Health Minister Greg Hunt, na ang nasabing app ay gawa sa Singapore.
Ayon naman kay Prime Minister Scott Morrison na mababawasan ang social restriction kapag may sapat na tao ang nag-download ng nasabing app.