-- Advertisements --

Nagpaabot ng pakikiramay si Foreign Minister Penny Wong sa pamilya ng namatay na Australian nationals at dalawang Filipino sa nangyaring Cessna plane crash sa bulkang Mayon.

Ang mga namatay na Australian ay sina Engineers Simon Chipperfield at Karthi Santhanam, na mula sa Adelaide.

Patay rin ang piloto na si Rufino James Crisostomo Jr at aircraft mechanic na si Joel Martin.

Ayon kay Bombo Denmark Suede, tiniyak din ng Australia sa pamamagitan ni Prime Minister Anthony Albanese na magbibigay ang Department of Foreign Affairs and Trade ng consular assistance sa pamilya ng mga namatay.

Hiniling din nito sa publiko na irespeto ang privacy ng pamilya kung sakaling tumanggi ang mga ito na magbigay ng detalye hinggil sa kanilang namatay na kamag-anak.