-- Advertisements --
Idineklara ni Australian Prime Minister Scott Morrison ang national emergency ang dalawang estado nito dahil sa patuloy na pagbuhos ng malalakas na pag-ulan.
Umabot na kasi sa 20 katao ang nasawi sa matinding pagbaha sa New South Wales (NSW) at Queensland.
Maraming kabahayan na rin ang nalubog sa baha kung saan ilang libong katao na rin ang inilikas.
Inulan din ng batikos ang gobyerno dahil sa mabagal na pag-responde nila sa nasabing mga biktima.