Pinalakas pa ng Australia at Pilipinas ang kanilang ugnayan sa ginawang pagbisita sa bansa ni Australian Defense Minister Linda Reynolds kung saan nakipag pulong ito sa kaniyang Philippine counterpart si Defense Secretary Delfin Lorenzana.
Kahapon nagpulong ang dalawang defense chiefs, layon nito na paigtingin pa ang military ties ng dalawang bansa.
Sa nasabing pulong, tinalakay ng dalawang defense officials ang commitment ng bawat isa para mapanatili ang regional security and stability partikular sa West Phl Sea at ang ginagawang Covid- 19 efforts ng Pilipinas.
Nasa bansa si Reynolds bilang bahagi ng kaniyang East Asia tour kasama ang Japan, Singapore at Brunei.
Tiniyak naman ng Australian Embassy istriktong health protocols ang ipinatupad ng magpulong si Reynolds at Lorenzana.
Inihayag ni Reynolds na nasa P70-million halaga ng mga medical at personal protective equipment ang ibibigay ng Australian govt sa AFP bilang suporta sa pakikipaglaban sa Covid-19.
Bukod pa ito sa P35 million halaga ng mga donasyon ang ibinigay ng Australia sa pamamagitan ng Enhanced Defence Cooperation Program, layon nito para sa expansion ng infectious disease ward ng Victoriano Luna Medical Center sa Quezon City.