-- Advertisements --

ILOILO CITY – Pinangangambahan ng pamahalaan sa Australia ang shortage ng higit 100,000 na nurses at higit 2,700 na mga doktor sa susunod na tatlong taon base sa forecast ng Health Workforce Australia.

Ayon kay Bombo Denmark Suede, international correspondent sa New South Wales, Australia, ilan sa mga dahilan ay bago pa man ang pandemic, mababa ang supply ng nursing-school graduates at ang numero nga nurses na nag-migrate mula sa ibang bansa.

May mga nurses rin umano na may planong iwanan ang kanilang propesyon na nagpapalala pa sa sitwasyon.

Marami rin umanong Australian nurses ang nagrereklamo sa hindi magandang working conditions na dahilan ng kanilang stress at kakulangan sa pahinga.

Ilan sa mga hakbang na isinasagawa ng Australian government ay ang pagpapabuti ng working conditions ng nurses sa pamamagitan ng mandatory na nurse-to-patient ratios para hindi ma-overwork ang nurses.

Maliban dito, may mga programa rin para sa mga estudyante sa naturang kurso na magbibigay na confidence at skills na magtrabaho sa aged care matapos ang kanilang pag-aaral at bago maging rehistrado na mga health practitioners.