-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Nahihirapan ang ilang mga residente sa Sydney, Australia dahil sa patuloy na sunog na kanilang nararanasan roon.

Ilang mga paaralan din ang kinailangang magsara dahil binabalot na ito ng makapal na usok.

Sa exclusive interview ng Star FM Baguio kay international correspondent Donna Caweng, isang child care student na nasa New South Wales, ibinahagi nito na hirap sila sa kanilang transportasyon dahil halos lahat ng bahagi ng kanilang lugar ay nasusunog.

“Mahirap yung transportation sa mga affected areas kasi fire is everywhere halos ‘di makita yung kalsada because of the smoke. In fact, some schools nagclose sila dahil sa fire at usok kasi daw it’s hazardous sa mga may asthma. It’s really risky,” saad ni Caweng.

Dagdag pa nito, naglaan ang kanilang gobyerno ng ilang mga aircrafts at mga water bombers upang mas mabilis na maapula ang sunog doon.

“Actually we have aircrafts within the fire zones which includes 4 water bombers and they’re doing an amazing job. Of course pati yung mga firefighters natin ginagawa yung best nila.”

Magugunitang Setyembre 2019 pa nang magsimula ang bushfires sa Australia at patuloy pa rin ang paglikas ng ilang mga residente papunta sa kanilang recovery agency upang sila’y matulungan.