Humingi na ng paumanhin si Australian Olympian Rachael Gunn sa breakdancing community ng kaniyang bansa.
Kasunod ito sa kontrobersiya na kaniyang kinaharap noong lumahok siya sa Paris Olympics.
Nabigo kasi siya sa B-Girls competitions ng magtala ng zeo points.
Dagdag pa ng 36-anyos na breakdancers na nalulungkot siya na marinig ang nasabing mga negatibong komento.
Inakusahan kasi siya na minanipula niya ang selection process kabilang ang pagbuo niya ng sariling governing body.
Maging ang kaniyang asawa ay kaniyang kinuha para maging judge sa qualification trial.
Ang nasabing alegasyon din ay ikinalungkot ng Australian Olympic Committee (AOC) at ng World DanceSport Federation (WDSF).
Giit nito na hindi nakakatuwa ang alegasyon dahil sa itinuturing siyang top-ranked sa Australian B-girls noong 2020, 2022 at 2023 kung saan naimbitahan siyang maging representatives sa ilang mga World Championships.