-- Advertisements --

Maraming mga bansa ang tiwalang matatapos na ang pagpapabakuna sa mga atleta bago sumabak sa Tokyo Olympics.

Isa na ang Australia kung saan kahit na hindi mandatory sa Tokyo Olympics na dapat mabakunahan ang mga atleta na sasali sa torneo ay minamadali na nila ang mass vaccination.

Ayon sa Australian Chef de Mission Ian Chesterman na ang pagpapabakuna sa mga manlalaro ay isang karagdagang proteksyon nila laban sa COVID-19.

Umaasa ito na mabibigyan ng prioridad ng Olympics organizers ang kalusugan para maiwasan na ang pagkakahawaan nito.

Maguguintang inilipat na sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8 ngayon taon ang Tokyo Olympics matapos na ito ay kanselahin noong nakaraang taon.