-- Advertisements --

Kinansela muna ng mga organizers ang lahat ng mga kompetisyon sa anim na tuneup events sa Australian Open matapos magpositibo sa COVID-19 ang isang trabahador sa quarantine hotels na ginagamit ng torneyo.

Nasa 600 players, officials, at support staff na naghahanda para sa Australian Open ang kinakailangang mag-isolate hanggang sa makita na negatibo sila sa COVID-19 test.

“We will work with everyone involved to facilitate testing as quickly as possible,” saad ng Australian Open organizers sa Twitter. “There will be no matches at Melbourne Park on Thursday. An update on the schedule for Friday will be announced later today.”

Nanawagan naman si Victoria state premier Daniel Andrews sa lahat ng nakararanas ng sintomas sa Melbourne na agad magpa-test.

Ayon pa kay Andrews, maaaring magkaroon ng epekto ang kaso sa warm-up tournaments para sa Australian Open ngayong linggo.

Gayunman, sa tingin ni Andrews, hindi naman daw maaantala ang pagsisimula ng unang grand slam ngayong taon sa Lunes. (The Guardian)