-- Advertisements --

Hindi ikinaila ng organizers ng Australian Open na posible nila itong kanselahin.

Ito ay kapag hindi pa natatapos ang coronavirus pandemic sa buong mundo.

Bagamat nakatakda ang nasabing torneo sa Melbourne mula Enero 18 hanggang 31 sa susunod na taon ay malaki pa rin aniya ang posibilidad na ito ay makansela.

Bukod sa wala pang gamot sa nasabing virus ay maraming mga bansa pa rin ang nagsara ng kanilang mga borders.

Umaasa naman ang nasabing organizers na magkakaroon ng magandang development sa mga susunod na buwan.

Ilan sa mga nakikita nilang options ay pagtupad ng quarantine sa mga manlalaro na galing sa ibang bansa at ang papayagan na manood ay mga Australian lamang.

Magugunitang kanselado ang lahat ng mga torneo ng tennis at ito ay magbabalik hanggang Hulyo 13.