Nadagit ng US tennis player na si Sofia Kennin ang kanyang kauna-unahang Grand Slam title matapos nitong magwagi kontra kay Garbine Muguruza ng Spain sa Australian Open.
Sa makapigil-hiningang sagupaan na tumagal ng dalawang oras, nagapi ni Kenin si Muguruza sa loob ng tatlong sets, 4-6, 6-2, 6-2.
Bagama’t hindi pinalad sa unang set, hindi natinag ang 21-year-old American star at bumawi sa mga sumunod na sets tampok ang kanyang depensa.
“My dream has officially come true,” wika ni Kenin. “Dreams come true. So if you have a dream, go for it, and it’s going to come true.”
Bunsod ng tagumpay, si Kenin ang pinakabatang nanalo sa Australian Open mula nang magreyna ang noo’y 20-anyos na si Maria Sharapova kay Ana Ivanovic noong 2008.
Sa men’s final naman, target ni defending champion Novak Djokovic na madagit ang kanyang ikawalong titulo sa pagharap nito sa mas batang si Dominic Thiem ngayong araw. (Al Jazeera)