-- Advertisements --
Tiniyak ng organizers ng Australian Open na matutuloy pa rin ang torneo kahit na nagkakaroon ng wildfire sa malaking bahagi ng bansa.
Ayon sa Tennis Australia na karamihang sa mga courts ay may mga retractable roofs o mga bubong na maaring magsara at magbukas para hindi makapasok ang makapala na usok.
Mahigpit na rin silang nakikipag-ugnayan sa mga Bureau of Meteorology experts para mamonitor ang kondisyon at ganun din kumonsulta na rin sila sa mga medical experts para matiyak na walang anumang sakit na makukuha ng mga manlalaro na lalahok sa torneo.
Magsisimula ang torneo mula Enero 20 hanggang Pebrero 2 sa Melbourne, Australia.