-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Dalawang linggong isasara ng pamahalaan ng Australia ang kanilang parliamento na sinimulang ipatupad kahapon ni Prime Minister Antony Albanese bilang bahagi ng sampung araw na pagluluksa ng mga bansang sakop ng Commonwealth Realm.

Kasama sa mga bansang sakop ng Comonwealth ay ang Canada, New Zealand, Antigua and Barbuda, Bahamas, Belize, Grenada, Jamaica, Papua New Guinea, Saint Kitts and Nevis, Saint Lucia, St Vincent and the Grenadines, Solomon Islands, Tuvalu at mismong United Kingdom.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Bombo international correspondent Denmark Suede na ito’y bilang respeto sa pagkamatay ni Queen Elizabeth.

Maliban dito’y may isinagawa ding 96 na mga gun salute dakong alas-sais ng umaga sa parliament house sa Canberra kungsaan ang bawat putok ay hudyat sa bawat-taon ng kanyang edad.

Ang lahat ng mga Australian flags din sa mga government centers ay naka-half mast at ilang araw mula ngayon ay lilipad patungong London si Albanese upang makikipagkita kay King Charles III.