Taliwas sa inaasahan, nagwagi sa ginanap na federal polls nitong Sabado ang conservative coalition ni Australian Prime Minister Scott Morrison.
Sa kanyang victory speech, nagpasalamat si Morrison sa mga bumoto sa kanila para mailuklok sila sa ikatlong termino sa pamahalaan.
Naniniwala rin aniya ito sa mga himala, lalo pa’t halos mayorya ng mga boto ay nakuha ng kanilang Liberal-National Coalition.
“And tonight we’ve been delivered another one,” wika ni Morrison.
Makaraan namang tanggapin ang kanyang pagkatalo sa eleksyon na inilarawan ng mga analyst bilang “unlosable,” magbibitiw sa kanyang puwesto si Labor Party leader Bill Shorten.
“I know that you’re all hurting, and I am too,” ani Shorten. “I’m proud that we argued what was right, not what was easy … Politics should be the battle of ideas.”
Batay sa pinakahuling resulta, mahigit 70% na ang naitatalang bumoto sa Coalition kung saan sigurado nang magkakaroon sila ng 74 seats sa parliament, habang may 66 lamang ang Labor. (CNN/ BBC)