-- Advertisements --

Inanunsiyo ngayong araw ni Australia Prime Minister Scott Morrison na plano nitong hikayatin ang kanilang mamamayan na bumili ng electric vehicles ito ay matapos na akusahan ang kaniyang administrasyon sa mabagal na pagtugon sa climate change sa UN summit sa Glasgow, Scotland.

Paliwanag ni Morrison na ang presyo ng naturang teknolohiya ay mababawasan sa paglipas ng panahon subalit walang subsidies para sa mga buyers ng electric cars.

Ang 250 million Australian dollar o katumbas ng $185 million plan katuwang ang private enterprises para maaccelerate ang rollout ng nasa 50,000 charging at hydrogen refueling stations.

Nauna na ngang nangako si Morrison sa pagabot ng net zero emissions para sa taong 2050.