-- Advertisements --
PM Scott Morrison
PM Scott Morrison/ IG post

Humingi ng paumanhin si Australian Prime Minister Scott Morrison matapos na ito ay nagbakasyon sa Hawaii kahit na may nagaganap na malaking sunog sa kaniyang bansa.

Dahil sa nasabing batikos na kaniyang natanggap ay pinaikli na lamang niya ang kaniyang bakasyon.

Magugunitang umani ng batikos ang Prime Minister dahil hindi ito nagpapakita sa publiko habang nagaganap ang sunog.

wildfire
Australian wildfire

Nauan rito dalawang bumbero ang nasawi habang inaapula ang wildfire malapit sa Sydney.