Nagsagawa ang Australia ng isang wreath-laying ceremony sa Parliament House sa Canberra ngayong araw bilang pagbibigay pugay sa yumaong Her Majesty Queen Elizabeth II.
Nag-alay ng mga bulaklak si Australian President Anthony Albanese kasama si Governor General David Hurley at iba pang dignitaries sa paanan ng bronze statue ni Queen Elizabeth.
Ang bronze statue ni Queen Elizabeth sa terrace ng Parliament ay in-unveil mismo ni Queen Elizabeth noong 1988 nang bumisita ito sa Australia nang buksan ang bagong parliament house ng bansa.
Isa ang Australia sa 14 realms sa laban ng United Kingdom kung saan ang british monarch ang head of state.
Buhos din ang pagbibigay ng tributes ng mamamayan sa Australia sa pagpanaw ni Queen Elizabeth na naging figurehead ng naturang bansa sa loob ng pitong dekada.
Inilagay din sa half-mast ang bandila ng Australia bilang pagpapakita ng paggalang kay Queen Elizabeth at nitong Biyernes, nag-alay ng 96 gun salute bilang pagmarka sa baawat taon ng buhay ng Her Majesty sa parliament house forecourt.
Nang nabubuhay pa si Queen Elizabeth regular siyang bumibisita sa Australia kung saan unang bumisita si Queen Elizabeth noong 1954 at huli noong 2011.