Itinuturing ng Australian police na ito na siguro ang pinakamadaling operasyon na mismong ang suspek na ang nagpahamak sa kanyang sarili.
Una rito isang drug courier na sakay ng van ang bumangga sa mismong nakaparada na police cars.
Nitong araw ay hinatulan ng New South Wales district court ang suspek na si Simon Tu ng anim na taon hanggang anim na buwan na pagkakakulong dahil sa pag-iingat ng malaking bulto ng iligal na droga.
Nangyari ang insidente noong Hulyo sa Sydney nang makarinig na lamang daw ng napakalakas na lagabog ang mga pulis sa labas ng kanilang himpilan.
Ang dalawa nilang police cars ay malaki ang pinsala pero wala na roon ang bumangga na sasakyan.
Hanggang sa matukoy ang van batay na rin sa surveillance camera at mga testigo.
Nang masundan ng mga police si Tu, 26, doon na na nila ito nahalata sa kakaibang gawi.
Hanggang siyasatin ang loob ng van at bumulaga sa kanilang ang 273 kilos ng crystal meth na nakalgay sa cardboard boxes.
Agad na kinumpiska ang droga at inaresto naman si Tu.
Ayon kay Detective Glyn Baker ng Ryde Police, ito na umano ang pinakamadaling drug operation sa kasaysayan ng NSW police.