Iniimbestigahang mabuti ng mga kapulisan sa Sydney kung may koneksyon sa anumang terrorist group ang lalaking inaresto dahil sa pag-aamok.
Ayon kay police commissioner Mick Fuller, na may mga ideolohiya ang hindi na pinangalanang suspek sa terorismo.
Nakuha rin sa kustodiya nito ang isang USB drive na naglalaman ng mga detalye ng mass killings sa New Zealand at United States.
Itinuturing na may deperensiya sa pag-iisip ang naarestong suspek.
Magugunitang hawak ng ng suspek ang isang kitchen knife at ito ay nag-amok sa Clarence St at King St. na nagbunsod sa pagkamatay ng isang 41-anyos at 21-anyos na babae habang itinakbo sa pagamutan ang isang babaeng biktima.
Sumigaw pa ito ng “Allahu Akbar” at “shoot me” bago lumusob sa mga grupo ng tao.
Pinuri naman ni New South Wales Police Minister David Elliot ang tatlong lalaki na nagtulong-tulong para maaresto ang suspek.
Labis naman na ikinabahala ni Australian Prime Minister Scott Morrison ang nangyaring pang-aatake at pinuri din nito ang ginawang kabayanihan ng tatlong lalaki.