-- Advertisements --
Napigil ng Australian counter-terror police ang tangkang paghahasik ng terorismo ng ilang katao.
Ito ay kasunod ng pagkakaaresto ng tatlong katao na konektado sa militant group na Islamic State.
Dalawa sa mga naaresto ay may edad 20 at 23 na sinasabing miyembro ng Islamic State.
Sinabi ni Australian Federal Police Assistant Commissioner Ian McCartney, na target ng mga suspek ang pag-atake sa mga iba’t-ibang gusali at embassies ng bansa.
Patuloy pang hinahanap ng mga otoridad ang ibang mga kasamahan ng mga naarestong suspek.