Napigilan ng mga kapulisan sa Australia ang tangkang pagpatay sa apat na miyembro ng rap group na OneFour.
Ayon sa mga kapulisan na kinilala ang mga suspek na sina Brandon Maseuli at Yousef Rima na miyembro umano ang mga ito ng criminal syndicate na nakabase sa Lebanon.
Ang grupo umano ay may planong gumawa ng maga mabibigat na krimen gaya ng pagpatay at pagdukot.
Naaresto ang mga ito sa Sydney kung saan sila ay nahaharap sa patong-patong na kaso.
Lumalabas pa sa imbestigasyon na may nakaalitan ang rapper group na ibang grupo kaya binayaran nila ang mga suspek para patayin ang apat na miyembro ng grupo.
Ang apat na miyembro na tinutukoy ay sina Jerome “J Emz” Misa, Pio “YP” Misa, Spencer “Spenny” Magalogo at Dahcell “Celly” Ramos hindi naman malinaw kung bakit hindi nasama sa listahan nila ang ikalimang miyembro na si Salec “Lekks” Su’a.