Nakatakdang bumisita sa bansa si Australian Prime Minister Anthony Albanese sa Pilipinas sa susunod na buwan.
Malugod na sasalubungin ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. si Albanese para sa nakatakdang official visit nito sa Pilipinas sa darating na September 7-8, 2023.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO) ito ang unang pagbisita ng Australian Prime Minister simula nuong 2003.
Magkakaroon ng serye ng mga high-level engagements sa pagitan ng Pilipinas at Australia at lalo pang mapalakas ang ugnayan at kooperasyon ng dalawang bansa.
Nabatid na ang pulong sa pagitan ng Pang. Marcos at Prime Minister Albanese, ay lalong magpapaigting sa partnership ng dalawang bansa.
Pag-uusapan ng dalawang lider ang isyu sa defense ans security, trade, economic development at maritime affairs.