-- Advertisements --

SYDNEY, Australia – Sinampahan ng kaso ng American hip-hop artist na si Jay-Z ang isang Australian retailer, dahil sa umano’y paggamit ng kaniyang pangalan at lyrics sa ilang produkto.

Nabatid na ang inirereklamong “The Little Homie” ay online retailer na nagbebenta ng “hip-hop inspired” na mga damit at libro.

Kabilang sa inaangal ng artist ang children’s book na may pamagat na “AB to Jay-Z.”

Laman din kasi ng libro ang lyrics ng kaniyang hit song na “99 Problems.”

Sa kasalukuyan, wala pa namang tugon ang kompaniya laban sa demanda ni Jay-Z na inihain sa Federal Court of Australia. (SMH)