-- Advertisements --
Kinumpirma ni Armed Forces of the Philippines spokesperson Col Ramon Zagala na bumagsak habang dumadaan sa bahagi ng east of Luzon ang isang Australian MH60R seahawk helicopter kagabi.
Sinabi ni Zagala, tatlo ang sakay ng nasabing helicopter na nakaligtas sa pagbagsak matapos agad ma-rescue ng barko ng Royal Australian Navy na HMAS Brisbane.
Sa ngayon ayon kay Col Zagala, nakikipag-ugnayan na sila sa Australian counterparts para iparating na handang tumulong ang AFP kung kinakailangan.
Batay sa nakuhang report ng AFP sa Royal Australian Navy, nagsasagawa ng navy to navy engagements kasama ang iba mga nations sa southeast at Northeast Asia nang mangyari ang pagbagsak.