-- Advertisements --
Nagpositibo sa COVID-19 si Ausralian tennis star Nick Kyrgios.
Sa kaniyang Instagram account, inamin nito na patuloy siyang nagpapagaling.
Ito rin ang dahilan ng 26-anyos kaya hindi siya makakasali sa Sydney Tennis Classic Tournament na magsisimula sa Enero 17.
Paliwanag nito na nais lamang niyang maging transparent kaya inamin niya ang pagpositibo sa COVID-19.
Kasalukuyan na itong naka-isolate at nagpapagaling.